Sama-Sama Kahit Malayo

Get Foodie Updates!
Enter your email address here:

Place Your Ad Here; Email Admin@NomnomClub.com

Tags

, , , , ,
Sama-Sama Kahit Malayo

Likas sa pamilyang Pilipino ang palaging magkakasama – sa hapunan, sa pamamasyal, at sa iba’t-iba pang okasyon. “Isang malaki at masayang pamilya,” ika nga.

Max's Restaurant in Lipa City, Batangas

Max’s Restaurant in Lipa City, Batangas

Ang aking pamilya ay mula Lipa City sa probinsiya ng Batangas. Doon nagkatagpo ang aking mga magulang at doon sila nagsimula ng kanilang pamilya. Subalit ako’y ipinanganak sa Maynila, dito rin ako nag-aral at nagtapos. Sa makatuwid, dito na ako lumaki…malayo sa kanila. Ngunit tuwing may mga okasyon tulad ng kaarawan at Pasko, sinisigurado kong makakauwi ako.

Ngunit may mga panahon talagang mahirap maiwasan tulad ng nakaraang Disyembre kung saan ako’y nagbagong taon sa Bulacan kapiling ang aking kasintahan at ang kanyang pamilya. Ito ay aming napagkasunduan dahil sa Batangas naman kami nag-Pasko, kasama naman ang aking pamilya.

Max's Restaurant Website & Online Delivery

Max’s Restaurant Website & Online Delivery

Ngayong ako’y nagbabalik-tanaw, bigla kong naalala ang Max’s Restaurant at ang kakaibang paraan nila nang pag-order at pag-deliber. Sa pagsipat ng www.maxschicken.com gamit ang iyong kompyuter o telepono na konektdo sa Internet, makikita na isa sa paraan ng pag-order ‘online‘ ay ang ‘Delivery Now‘ o ‘Deliver Later‘ at pwede ko itong ipa-deliber sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Naisip ko na kahit wala ako sa Batangas sa piling ng aking mga magulang, pwede ko itong gamitin na pang-sorpresa sa kanila. Pwede akong magpa-deliber ng ‘sarap-to-the-bones‘ fried chicken, Kare-Kare, Crispy Pata, Pancit Canton, o kahit Sinigang! Kakaiba, hindi ba!  Para kaming ‘sama-sama kahit malayo!’ 🙂

Max's Chicken on facebook

Max’s Chicken on facebook

Magandang ideya rin ito para sa mga kababayan nating OFWs (Overseas Filipino Workers). Kahit nasaan man sila sa mundo, kahit wala sila dito sa Pilipinas, pwede silang umorder at magbayad gamit ang internet at surpresang darating ang Max’s Chicken sa kaarawan ng kanyang mahal sa buhay o sa pagtatapos ng kanyang anak na parang nandoon din siya sa kasiyahan.

Salo-salo kahit malayo!

Panoorin ninyo ang napakagandang video na ito:

At siyempre, nandiyan parin ang Max’s Delivery hotline 7-9000 para sa regular na pagpapadeliver. Nasasabik na akong subukan ang kakaibang pag-order na ito sa www.maxschicken.com. Sino ba ang may nalalapit na kaarawan? 🙂

 

Get Nomnom Updates!

I'm the EIC of NomNomClub.com and Managing Director of #DigitalCircles.asia, a social media marketing agency. On Mondays, I teach IT classes at Grace Christian College. Know more @ JonelUy.com

Get Nomnom Updates! Enter your email address here:

19 Responses to “Sama-Sama Kahit Malayo”

  1. Naisip ko lang, you do have to make sure na may tao sa bahay pag-deliver ng “surprise.” 🙂

  2. bedalyn says:

    OO nga!! sana noon pa ang Maxs online… Na mi miss ko na ang tatay ko!!!

  3. Sayang naman at kakatapos lang ng kaarawan ko noong Enero.
    Di bale, sa susunod na taon Jonel ha, aasahan ko ang pa-Max’s mo sa akin. :p
    Biro lang. 🙂

  4. sherry ann gole cruz says:

    ang aking baby ang nalalapit na kaarawan,maganda treat ito para s aking mga anak ,lalo my nalalapit n max restaurant dito s sta.maria bulacan`

  5. ruth says:

    Gusto kong sorpresahin ang mama ko sa b-day niya! Siguradong matutuwa siya kapag nagpa-deliver ako ng Max’s chicken! ^_^

  6. russ says:

    sarap talaga ng Max’s chicken mula noon hanggang ngayon! 😀

  7. Stephanie Lee says:

    MAX masaya sa MAX’s restaurant =)

  8. Istin Dizon Paigna says:

    noon naalala ko ang Max’s dahil lagi syang venue ng reception after ng binyagan..
    ngayon hinahanap ko ang Max’s dahil sa sarap to the bones na manok nila kahit un mga anak ko sarap na sarap sa Max’s, the best sa lahat ng okasyon.

  9. Jaja Laure says:

    Masarap talaga sa Max’s!

  10. abigail ong says:

    pag tinatamad lumabas

  11. Marizza Domingo says:

    Isang alamat na talaga ang Max’s! Kinalakihan ko na ang pagkain dito. Kahit nung thesis defense namin, Max’s pancit canton, fried chicken, and crab meat rice ang pinakain namin sa profs. Palagay ko naging malaking advantage yun kasi favorite din pala ng mga profs namin ang Max’s. 🙂

  12. Carol Ong says:

    Masarap talagang kasama ang Max’s sa kahit anong okasyon kaya padeliver na!


Leave a Reply

Powered by WP Hashcash

Copyright © 2017 NomNom Club. Icons by Wefunction. Designed by Woo Themes